Isumbong kay Tony Israel. Tip sa mga nabiktima ng “Writing” scammer/s (Philippines)

Tinagalog ko na para hindi agad mauunawaan ng mga foreign scammers. Sa mga Pinoy na mandurugas, basahin ng maigi.

Una: Wag-isiping nasayang ang inyong mga gawa (kung di man kayo binayaran).Gumawa ng inyong sariling “online portfolio” at i-post ninyo doon ang inyong mga ‘nadugas’ na gawa.”

Pangalawa: I-search ninyo kung ang inyong “nadugas na gawa” ay nailathala na sa ibang webpages. Maging ito’y na-‘spin’ o inilathalang kahalintulad sa inyong pagkakasulat, ipagbigay-alam sa akin kalakip ang orihinal na gawa at link kung saan lumabas at mababasa. ISUMBONG sa akin at ito’y matutuganan.

Pangatlo: Sa mga scammers na Pinoy (gayong ako’y naniniwala na karamihan sa mga scammers dito ay mga Bumbay, Pakistano, Intsik na hindi marunong mag-Pilipino), mangyari lamang ay lubayan na ninyo ang hindi mabuting gawain na iyan. Makikipagtulungan ang NBI sa inyong lingkod upang masugpo ang ganitong modus.

Gumagalang,

Tony Israel

Advertisements

About this entry